The Online Newsletter of Family First, Inc. Planowners
Issue No. 4 • 2002
• COVERSTORY

TULOY-TULOY NA NGA ang pagsisilbi sa pamilyang Pilipino! Pormal nang binuksan noong ika-14 ng Agosto 2002 ang pinakabagong branch ng Family First, Inc. (FFI) na matatagpuan sa SM City-North EDSA, Quezon City.

Mismong si Securities and Exchange Commission (SEC) Director for Non-Traditional Securities and Instruments Department Atty. Emilio B. Aquino ang siyang naging Guest of Honor sa Ribbon-Cutting Ceremonies. Nakasama niya sina Berkley International Philippines, Inc. Chairman Felipe R. Diego at FFI EVP-General Manager Robb S. Paulsen.

Bagama't maliit ang FFI branch sa North EDSA, nagawan pa ring bigyan ito ng karapat-dapat na inagurasyon. Muling nagbigay ang mga business partners at mga kaibigan ng mga bulaklak kaya't parang naging flower shop ang harapan ng Sales Office. May balloon arch din sa pintuan na nakadagdag ng kulay.

Ang mga officers ng Berkley at Family First.

Sa kanyang maiksing talumpati, ipinahiwatig ni Dir. Aquino na bagama't ang pre-need sector ay idinidiin ng media ngayon, hindi dapat mangamba ang mga tao kung Berkley ang pag-uusapan dahil "The company is very stable financially and has sufficient Trust Funds to cover all its obligations."

Nang araw na iyon, muling pinatunayan ng Berkley/Family First ang magandang relasyon nito sa SEC. Nabanggit din ni Dir. Aquino ang mga customer service efforts ng kumpanya at ang mabilis na pagtugon nito sa mga problema at mga katanungan. Isang patunay muli ng aming commitment na pagsilbihan ang mga planowners na tulad niyo.

Nakakatuwa ang mahaba-habang kuwentuhan na naganap sa maliit na opisina ng FFI-North EDSA. Dumating din ang Philippine Federation of Pre-Need Companies, Inc. President na si Atty. Juan Miguel Vazquez. Labis na ikinatuwa ng mga opisyales ng Berkley at Family First ang pagdalo ng dalawang napaka-importanteng tao sa industriya ngayon. Ang kanilang pagdalo ay parang isang seal of approval na dapat sana ay magpatahimik na sa mga sektor na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring bumabatikos sa kompanya.

Kamakailan lamang ay nagbukas ang Berkley/FFI ng isang sangay sa SM Southmall. Heto't mayroon na namang isang bagong sangay. Mayroon pa kayang hihigit na pruweba na talagang matatag ang Family First financially? Bawa't branch na idinadagdag ng Family First ay pagpapahiwatig nito ng kredibilidad niya bilang isang kumpanyang handang-handang panindigan ang kanyang financial obligations sa mga customers na tulad ninyo.

The inauguration of FFI -SM North EDSA was made more meaningful with the presence of SEC Director Atty. Emilio B. Aquino (topmost photo, cutting the ribbon) and Pre-Need Federation Head Atty. Juan Miguel Vazquez (abvoe photo, 2nd from right) who obviously enjoyed their conversations with top officials of Berkley and Family First.

 

 

 

Back To Top Previous Next Page

 

M E S S A G E S

Her Excellency
Gloria Macapagal-Arroyo
President
Republic of the Philippines

Atty. Lilia R. Bautista
Chairman
Securities and Exchange Commission

Atty. Juan Miguel Madrigal Vazquez
President
Philippine Federation of Pre-Need Plan Companies, Inc.




CONTENTS
Cover Story
Soaring High @ Five Check out the site! Service Comes First! Family of the Month
 
 
   
 
   
  Copyright © 2001 Family First Inc. All rights reserved. Last Updated: January 31, 2001