Sa
pakikipag-usap sa isang taong
kapapanalo lamang ng isang major prize, di
mo maitatanggi at mararamdaman mo mismo ang
sama-sama at pinaghalong mga damdamin niya
ng di-pagkapaniwala, excitement, kaligayahan
at syempre pa pasasalamat.
Ito
na naman ang lumutang nang aming makapanayam
kamakailan lamang si G. Efren Capulong,
Jr. ng Quezon City, ang latest winner
ng ating Reach for your Dreams 3 Promo kung
saan napagwagihan niya ang isang brand new
1.3 GL MT Honda City.
Hindi
planowner si Mr. Capulong subalit pinatotohanan
niya na naging kaaya-aya ang kanyang karanasan
sa presentation. Hindi umano umabot sa isang
oras ang naging haba ng presentation sa kanya
at nirespeto naman ng sales consultant na
si Joy Mangalindan ang kanyang naging desisyon.
Si
Mr. Capulong ay namamasukan sa isang kompanyang
nag-su-supply ng mga imported kitchen equipment
sa malalaking food establishments. Siya ay
may tatlong anak na lalaki.
Unang pinagdalhan ni Mr. Capulong sa bago
niyang silver Honda City? Sinundo niya si
Misis mula sa opisina nito na isang travel
agency sa Makati malapit sa ating Head Office
sa Enterprise. Sabi nga niya, Sino pa
ba ang buwena-mano kundi si Mrs. Capulong
syempre?!!