The Online Publication of Berkley/Family First Planowners
Issue No. 2 • 2002
• COVERSTORY

Pormal nang binuksan noong ika-7 ng Marso 2002 ang pinakabagong sangay ng Family First, Inc. (FFI) na matatagpuan sa SM Southmall sa Las Piñas City.

Mismong si Securities and Exchange Commission (SEC) Chairperson Atty. Lilia R. Bautista ang tumayong Panauhing Pandangal sa Ribbon-Cutting Ceremonies ng kompanya. Siya ay sinamahan ni Ms. Marissa Diego, butihing maybahay ng Pangulo ng Berkley International Philippines, Inc. at FFI na si Felipe R. Diego.

Nagmistulang isang hardin ang harapan ng branch sa dami ng mga bulaklak na dumating bilang pagbati ng mga kaibigan at business partners ng Family First. Ang padala nina Mayor & Mrs. Vergel Aguilar ng Las Piñas City at Congresswoman Cynthia Villar ay ilan lamang sa mga ito.

Simple lamang subali’t makabuluhan ang naging programa sa pagbubukas ng Family First Southmall. Sa kanyang maiksing talumpati, sinabi ni Felipe Diego na ang bagong sangay ay nagpapatunay lamang ng commitment ng Family First na lalo pang pag-ibayuhin ang serbisyo nito sa pamilyang Pilipino. Binigyang-diin niya ang patuloy na pagkilos ng kompanya upang higit na mapagbuti ang serbisyo nito sa mga planowners na tulad ninyo.

Kapansin-pansin ang matagal-tagal na paglalagi ni SEC Chair Bautista sa naturang okasyon. Lubha naman itong ikinasaya ng mga opisyales ng Berkley at Family First. Hindi maikakaila na minsang naging kontrobersyal ang kompanya sa media at ang pagdalo ng SEC Chair ay maituturing na isang seal of approval na dapat pumanatag sa anumang agam-agam na maaaring natanim sa isipan ng publiko.

Matatag na matatag financially ang Family First at wala nang hihigit pang patunay nito kundi ang kasalukuyang expansion na isinasagawa ng kompanya. Bukod sa kabubukas lamang na branch sa SM Southmall, isa pang panibagong branch ang nakatakdang buksan sa nalalapit na mga buwan sa isa sa pinakasikat at pinakamalaking malls dito sa Kamaynilaan—SM North Edsa. Papalabas na rin ng Maynila ang Family First at may mga seryosong pag-aaral na ukol sa paglalapit nito sa mga Pilipino sa iba't ibang urban centers sa buong bansa.
May kasabihan tayo na kapag ang puno ay hitik sa bunga, ito ay pinupukol. Ito marahil ang buod ng naging karanasan ng Family First. In the end, it will be our financial strength and stability that will see us through. At habang nariyan kayo at patuloy na nagtitiwala, lalo kaming magiging masigasig na patunayang walang saysay ang lahat ng paninira sa isang kompanyang may integridad at tapat na hangaring paglingkuran kayo. • By Gina dela Vega-Cruz


Berkley & FFI President Felipe Diego kasama ang ilang officers ng Family First.



• Cover Story
 Financial Statement
 Under One Roof 
 Use the Website
 Families of the Month