The Online Publication of Berkley/Family First Planowners
Issue No. 1• 2002
• COVERSTORY

SA KABILA NG MALAWAKANG economic downturn na kinaharap ng bansa at maging ng buong mundo, maganda pa rin ang naging pagtatapos ng taong 2001 para sa Berkley International Philippines (BIP) at exclusive distributor nito na Family First, Inc. (FFI).

#2 PA RIN IN TERMS OF NEW BUSINESS
Isang tagumpay na maituturing ang pananatili ng Berkley bilang ikalawa o Number 2 sa educational plan sector in terms of new business (Gross Contract Price) base sa pinakahuling available data para sa first three quarters ng taon. Pumapang-anim o Number 6 naman ang kompanya sa kabuuan ng pre-need industry, in terms of new business pa rin. Ito ay base sa mga records mismo ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng Actuarial Advisers, Inc. para sa mga buwan ng Enero hanggang Setyembre 2001. Sa oras ng paglathala nito ay hindi pa available ang mga figures para sa huling quarter.

Hindi biro ang naging accomplishment ng Berkley lalu pa nga’t mistula itong isang David sa mga Goliaths ng industriya kung ang pag-uusapan ay ang edad. Apat na taon pa lamang dito sa Pilipinas ang kompanya bagaman ito ay tatlumpu’t limang (35) taong gulang na sa Estados Unidos. Tunay ngang kahanga-hanga ang napakabilis ng pag-akyat ng ranking nito mula sa pang-#87 lamang noong pumasok ito sa bansa noong 1997.

Bilang planowner, hindi lingid sa inyong kaalaman ang napakatatag na pundasyon ng Berkley kung titingnan ang mother company nito na W.R. Berkley Corporation na naka-base sa Estados Unidos. Kabilang sa Fortune’s Top 500, ito ay kasama rin sa top 35 property and casualty groups sa Amerika at may assets na humihigit pa sa US$5,000,000,000 (FIVE BILLION).

PRS A PLUS
Kamakailan lamang, ang Berkley ay ginawaran ng rating ng Philippine Rating Services Corporation (PhilRatings) na PRS Aplus. Ano ang kahulugan nito?

Sa pinakasimpleng pagpapaliwanag, ang Berkley ay napatunayang nag-aangkin ng “ABOVE-AVERAGE capacity to MEET ITS FINANCIAL COMMITMENTS relative to that of other Philippine corporations.” Ito ay nagpapatunay lamang na kumpara sa ilang kompanya, may mas nakahihigit na kakayahan ang Berkley na tuparin ang mga obligasyon nito sa mga tulad ninyong planowners.

Malaking bagay ang rating na PRS Aplus sapagka’t ito ay galing sa PhilRatings, isa sa mga pangunahing rating companies dito sa Pilipinas na isang affiliate ng sikat sa buong mundo na Standard and Poor’s. Sa mga hindi nakababatid, ang isang rating company ay isang objective third party observer na may sapat na kaalaman upang bigyan ng grade ang financial performance ng isang kompanya. Ang Standard and Poor’s ay nagbibigay ng rating hindi lamang sa ilan sa pinakasikat na mga multinational companies sa larangan ng industriya, pagbabangko at manufacturing kundi maging sa financial performance ng mga bansa at gobyerno mismo.

Sa kanilang pagbibigay ng rating na PRS A plus, binigyang-pansin ng PhilRatings ang mga sumusunod at ito ay base sa kanilang official announcement:

  • satisfactory compliance with Trust Fund requirements;
  • ability to compete in an industry with big, established players and to position itself as one of the leading market players and fastest growing pre-need companies;
  • a favorable plan premium rate and related cost structure that amply covers the risk of potential plan lapsations and provides for early breakeven on costs;
  • good compliance with regulatory guidelines and monitoring requirements and adequate capitalization; and
  • Management’s demonstrated ability to manage its investment objectives in balance with its liability structure, thereby providing adequate protection to Berkley’s Trust Fund Equity, whereby the ability to cover existing obligations is not directly dependent on the capability to generate additional new business.

Idinagdag pa ng PhilRatings na, “At present, BIP’s trust fund has been built up adequately, covering future requirements sufficiently... BIP has demonstrated sound investment practices, as evidenced by the achievement of its trust fund yield investment targets to date. Historical achievement of investment targets lends credibility to management’s declared investment philosophy.”

Ang grade na tulad ng “A plus” ay isa na marahil sa pinakamataas na maaaring ibigay ng PhilRatings. Walang kaduda-duda na ito ay sapat na upang bigyang-tuldok ang anumang mga agam-agam ng ilan ukol sa kakayang-pinansyal ng kompanya.

DOBLENG KAPITALISASYON
Sa lalo pang ikapapanatag ng inyong loob, marapat lamang na bigyang-diin dito na ang capitalization ng Berkley ay 100% higher o doble sa itinatakda ng batas. Ito ay nakalagak sa ating Trustee Bank, ang Deutsche Bank AG Manila. Ito ay nangangahulugan na sapat at, kung tutuusin, ay labis-labis pa nga ang nakalagak na salapi ng kompanya upang matugunan ang mga pananagutan nito sa inyo sa kasalukuyan at sa darating pang panahon.

Sa inyong aming mga minamahal na planowners, ang mga accomplishments na ito ng Berkley ay katibayan ng pagiging stable at reliable ng kompanya at kakayahan nitong mapangalagaan ang inyong seguridad gayundin ng inyong mga mahal sa buhay. Ika nga, ang tunay na pagsubok sa tatag ng kompanya ay kung naroon pa ito sa panahong inyong kakailanganin at dito ay taas-noo naming tinitiyak na makakaasa kayo.

Salamat sa lahat ng planowners sa patuloy ninyong pagtitiwala. Hindi kayo mabibigo. • By Gina dela Vega-Cruz

 

 

Back To Top Next Page


“...ang mga accomplishments ng Berkley ay katibayan ng pagiging stable at reliable ng kompanya at ng kakayahan nitong mapangalagaan ang inyong seguridad...”



• Cover Story
 Libreng Bahay Bagong Buhay Winner
 Happy Planowners
 4th Branch at SM Southmall
 William Robert Berkley Jr. Visits
 Families of the Month